Ecclesiastico 7:1-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Huwag kang gumawa ng masama, at walang masamang mangyayari sa iyo.

2. Lumayo ka sa kabuktutan, at lalayuan ka rin nito.

3. Anak, huwag kang maghasik ng kaapihan;baka mag-ani ka nang pitong ulit.

4. Huwag kang humingi sa Panginoon ng kapangyarihan,o humiling sa hari ng mataas na tungkulin.

5. Huwag mong igiit sa Panginoon na ikaw ay matuwid,o magpanggap na marunong sa harap ng hari.

6. Huwag kang maghangad na maging hukomkung wala kang tibay ng loob na panindigan ang katarungan.Kapag nasindak ka sa babala ng makapangyarihan,baka mawalan ka ng karangalan sa paningin ng madla.

7. Huwag kang gagawa ng masama laban sa sambayanan,nang hindi ka kasuklaman ng iyong mga kababayan.

8. Huwag mo nang balikan ang dati mong kasalanan,magbago ka sa unang parusa pa lamang.

9. Huwag mong sabihing, “Pahahalagahan ng Panginoon ang aking pagsuyo,at lagi niyang tatanggapin ang bawat handog ko sa kanya.”

10. Huwag kang manghihinawang manalangin,at huwag mong kaliligtaan ang pagkakawanggawa.

11. Huwag mong pagtatawanan ang nasa kasawian;ang Panginoong nagpahintulot na siya'y mabigo, ang siya ring magkakaloob sa kanya ng tagumpay.

12. Huwag kang maghanap ng kasinungalinganna maipaparatang sa iyong mga kaibigan.

Ecclesiastico 7