Ecclesiastico 6:22-26 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

22. Ang Karunungan ay talagang mahirap kamtan,iilan lamang ang tunay na nakakakilala sa kanya.

23. Makinig ka, anak ko't narito ang aking tagubilin,huwag mong tanggihan itong aking payo.

24. Bayaan mong gapusin ng Karunungan ang iyong mga paa,at isuot sa iyong leeg ang pamatok niya.

25. Yumuko ka at nang makasakay siya sa iyong balikat,at huwag kang maghimagsik sa kanyang kapangyarihan.

26. Buong puso mo siyang suyuin,at sundin nang buo mong lakas ang kanyang mga tuntunin.

Ecclesiastico 6