11. Sa kasaganaan, didikit siya sa iyo na parang anino,uutusan niya pati ang mga katulong mo;
12. ngunit sa kasawia'y pababayaan ka niya,pagtataguan ka, at di mo na siya makikita.
13. Lumayo ka sa kaaway,at mag-ingat ka sa kaibigan.
14. Ang matapat na kaibiga'y parang matibay na kanlungan,kapag nakatagpo ka ng tulad niya'y para kang nakahukay ng kayamanan.
15. Walang kasinghalaga ang matapat na kaibigan;hindi siya matutumbasan ng gaano mang salapi.
16. Ang matapat na kaibiga'y parang gamot na nagbibigay-buhay,at siya'y matatagpuan lamang ng mga may paggalang sa Panginoon.
17. Ang may paggalang sa Panginoo'y makakatagpo ng tapat na kaibigan,at ang mga kaibigan niya'y tulad niyang may paggalang sa Panginoon.