1. Ang kasiraang-puri ay nagdudulot ng kahihiyan at pagkawala ng tiwala,na siyang marapat sa isang makasalanang sinungaling.
2. Huwag kang patatangay sa matinding alab ng damdamin,baka suwagin ka niya na parang torong baliw,
3. o baka ubusin niya ang mga dahon mo at sirain ang iyong bunga,at maiwan kang parang tuyot na punongkahoy.
4. Ipapahamak ka ng iyong masasamang pagnanasa,hanggang sa pagtawanan ka ng iyong mga kaaway.
5. Ang magiliw na tinig ay nakakaakit ng maraming kaibigan,at ang matamis na pananalita'y susuklian ng magandang sagot.
6. Makipagbatian ka sa maraming tao,ngunit isa lamang sa sanlibo ang hihingan mo ng payo.
7. Bago ka makipagkaibigan kaninuman, subukin mo muna siya,at huwag mo siyang pagtitiwalaan agad.