4. Iniligtas mo ako sa apoy na nasa aking paligid,sa gitna ng apoy na hindi naman ako ang nagpaningas.
5. Hinango mo ako sa kalaliman ng bangin ng kamatayan,iniligtas mo ako sa dilang marumi at sinungaling,na nagpaparatang sa akin sa harapan ng hari.
6. Ang buhay ko'y nabingit sa kamatayan,ang kaluluwa ko'y nasa labi na ng Hades.
7. Naliligid ako ng mga kaawayat wala isa mang tumulong sa akin;naghanap ako ng sasaklolo,ngunit ako'y nabigo!
8. At naalala ko, Panginoon, ang iyong habag,at ang iyong mga gawa mula pa sa pasimula;tinutulungan mo ang mga matiyagang umaasa sa iyoat inililigtas mo sila sa mga kuko ng kaaway.
9. Kaya't tumawag ako sa iyo mula sa lupaat hiniling kong iligtas mo ako sa kamatayan.
10. Dumalangin ako sa iyo, Panginoon ko at Ama,na huwag mo akong pabayaan sa aking kagipitan,sa oras na itong ako'y nasa kamay ng mga palalo.
11. Lagi kitang pupurihin at aawitan ng pasasalamat.Dininig mo ang aking dalangin
12. at iniligtas mo ako sa kapahamakang nagbanta sa akin.Kaya pinasasalamatan kita at pinupuri.O Panginoon, pinupuri kita!
13. Nang ako'y bata pa, bago pa ako naglakbay,ang lagi kong dalangin ay pagkalooban ako ng Karunungan.
14. Nagpunta ako sa Templo at siya ang aking hiniling,at siya kong hahanapin magpahanggang wakas.
15. Mula sa aking kabataan hanggang sa aking pagtanda,ang Karunungan lamang ang kagalakan ng aking puso.Mula pa sa aking pagkabata, sinikap ko nang mamuhay nang matuwid,masundan ko lamang ang landas ng Karunungan.
16. Nang magsimula akong makinig ay nakamtan ko ang Karunungan;sa gayon ay nakatuklas ako ng maraming aral.
17. Lagi kong sinikap na matuto,at nagpapasalamat ako sa lahat ng nagturo sa akin.
18. Ang aking panata'y mamuhay ako ayon sa tuntunin ng Karunungan,at sinikap kong laging gumawa ng mabuti,at ito'y hindi ko pagsisisihan magpakailanman.
19. Sinikap kong mabuti na mag-angkin ng Karunungan,at naging maingat ako sa aking pag-uugali.Lagi kong kinikilala ang aking kakapusan sa bagay na ito,kaya't sa Diyos ako humihingi ng tulong.
20. Siya ang laging hinahangad ng aking puso,at natagpuan ko siya sa pamamagitan ng malinis na pamumuhay.Umunlad ako sa Karunungan mula pa nang siya'y aking natagpuanat hindi ko na siya hihiwalayan kailanman.
21. Dahil sa aking matiyagang pagsisikap na siya'y kamtan,siya ngayon ang mahalaga kong kayamanan.