19. Sinikap kong mabuti na mag-angkin ng Karunungan,at naging maingat ako sa aking pag-uugali.Lagi kong kinikilala ang aking kakapusan sa bagay na ito,kaya't sa Diyos ako humihingi ng tulong.
20. Siya ang laging hinahangad ng aking puso,at natagpuan ko siya sa pamamagitan ng malinis na pamumuhay.Umunlad ako sa Karunungan mula pa nang siya'y aking natagpuanat hindi ko na siya hihiwalayan kailanman.
21. Dahil sa aking matiyagang pagsisikap na siya'y kamtan,siya ngayon ang mahalaga kong kayamanan.
22. At bilang gantimpala, binigyan ako ng Panginoon ng kakayahang magsalita nang mahusay,kaya't gagamitin ko ito sa pagpupuri sa kanya.
23. Halina kayo, mga dapat turuan,at pumasok kayo sa aking paaralan.
24. Kung kayo'y talagang nauuhaw sa karunungan,bakit hindi ninyo lunasan ang inyong pangangailangan?
25. Nananawagan ako upang siya'y ipakilala sa inyo;tanggapin ninyo siya nang walang bayad.
26. Hindi kailangang siya'y hanapin sa malayo,ipailalim lamang ninyo ang inyong leeg sa kanyang pamatok,at humandang tumanggap ng kanyang aral.
27. Tingnan ninyo ang nangyari sa akin:sa kaunting pagod lamang, nakamtan ko siya.
28. Huwag kayong manghinayang sa magiging puhunan,makamtan lamang ninyo ang Karunungan.
29. Ipagdiwang ninyo ang kabutihan ng Panginoonat huwag kayong mahiyang magpuri sa kanya.
30. Gawin ninyo ang inyong tungkulin nang maaga,at gagantihan kayo ng Diyos pagdating ng takdang oras.