Ecclesiastico 50:18-28 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Nagkakantahan naman ang mga mang-aawit;ang masayang tinig ng papuri sa Diyos ay umaalingawngaw.

19. Samantala, ang bayan ay nananalangin sa Kataas-taasang Diyos,nagmamakaawa sa harapan ng mahabaging Diyos,hanggang sa matapos ang pagsamba sa Panginoon,at maganap ang pag-aalay ng mga handog.

20. Pagkatapos, nananaog si Simon mula sa dambanaat itinataas ang mga kamay sa karamihan ng tao,upang igawad sa kanila ang pagpapala ng Panginoon.

21. Muling yumuyuko ang buong bayanupang tanggapin ang pagpapala ng Kataas-taasang Diyos.

22. At ngayon, purihin natin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel,kahanga-hanga ang kanyang mga gawa sa balat ng lupa.Siya ang nagtataguyod sa atin mula pa sa tiyan ng ating inaat kumakalinga sa atin nang may pagkahabag.

23. Pagkalooban nawa niya tayo ng kagalakan sa pusoat paghariin ang kapayapaan sa Israel sa habang panahon.

24. Manatili nawa sa atin ang kanyang habag,at lagi tayong iligtas sa panahon ng kagipitan.

25. May dalawang bansa na labis kong kinamumuhian,at ang pangatlo'y hindi man lamang dapat ituring na isang bansa—

26. Ang mga Edomita at ang mga Filisteo, at ang mga hangal na Samaritano.

27. Ako, si Jesus na anak ni Sirac Eleazarang sumulat ng aklat na ito, ng mga aral at mga salawikain,ayon sa aking matapat na pagkaunawa.

28. Mapalad ang tao na nag-uukol ng panahon sa pagbubulay-bulay nitoat tumutuklas ng karunungan sa ganitong pag-aaral.

Ecclesiastico 50