17. Pagdaka'y nagpapatirapa ang buong bayanbilang pagsamba sa Panginoon,sa Makapangyarihan sa lahat,sa Kataas-taasang Diyos.
18. Nagkakantahan naman ang mga mang-aawit;ang masayang tinig ng papuri sa Diyos ay umaalingawngaw.
19. Samantala, ang bayan ay nananalangin sa Kataas-taasang Diyos,nagmamakaawa sa harapan ng mahabaging Diyos,hanggang sa matapos ang pagsamba sa Panginoon,at maganap ang pag-aalay ng mga handog.
20. Pagkatapos, nananaog si Simon mula sa dambanaat itinataas ang mga kamay sa karamihan ng tao,upang igawad sa kanila ang pagpapala ng Panginoon.
21. Muling yumuyuko ang buong bayanupang tanggapin ang pagpapala ng Kataas-taasang Diyos.
22. At ngayon, purihin natin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel,kahanga-hanga ang kanyang mga gawa sa balat ng lupa.Siya ang nagtataguyod sa atin mula pa sa tiyan ng ating inaat kumakalinga sa atin nang may pagkahabag.