Ecclesiastico 50:13-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Ang mga anak ni Aaron ay nakapaligid sa kanya, suot ang mga sagradong kasuotan,hawak ang mga handog,at nakatayo sa harapan ng buong bayang Israel.

14. Kapag natapos niya ang pag-aalay sa dambanaat naiayos na ang mga handog sa Makapangyarihang Kataas-taasang Diyos,

15. hinahawakan ang saro ng alak,at ibinubuhos ito sa paanan ng dambana,bilang mabangong handog sa Kataas-taasang Diyos,sa Hari ng buong sanlibutan.

16. Nagsisigawan naman ang mga pari,at hinihipan ang kanilang mga trumpetang pilak;lumilikha sila ng malakas na ingay,upang marinig sila ng Kataas-taasang Diyos.

17. Pagdaka'y nagpapatirapa ang buong bayanbilang pagsamba sa Panginoon,sa Makapangyarihan sa lahat,sa Kataas-taasang Diyos.

18. Nagkakantahan naman ang mga mang-aawit;ang masayang tinig ng papuri sa Diyos ay umaalingawngaw.

19. Samantala, ang bayan ay nananalangin sa Kataas-taasang Diyos,nagmamakaawa sa harapan ng mahabaging Diyos,hanggang sa matapos ang pagsamba sa Panginoon,at maganap ang pag-aalay ng mga handog.

20. Pagkatapos, nananaog si Simon mula sa dambanaat itinataas ang mga kamay sa karamihan ng tao,upang igawad sa kanila ang pagpapala ng Panginoon.

21. Muling yumuyuko ang buong bayanupang tanggapin ang pagpapala ng Kataas-taasang Diyos.

22. At ngayon, purihin natin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel,kahanga-hanga ang kanyang mga gawa sa balat ng lupa.Siya ang nagtataguyod sa atin mula pa sa tiyan ng ating inaat kumakalinga sa atin nang may pagkahabag.

23. Pagkalooban nawa niya tayo ng kagalakan sa pusoat paghariin ang kapayapaan sa Israel sa habang panahon.

24. Manatili nawa sa atin ang kanyang habag,at lagi tayong iligtas sa panahon ng kagipitan.

25. May dalawang bansa na labis kong kinamumuhian,at ang pangatlo'y hindi man lamang dapat ituring na isang bansa—

Ecclesiastico 50