Ecclesiastico 50:1-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Si Simon, ang Pinakapunong Pari na nagpaayos ng Templo,at siya'y anak ni Onias,

2. siya ang naglagay ng mga pundasyon ng dinobleng muog,ang mataas na muog sa paligid ng Templo;siya rin ang naglagay ng mga tanggulan sa bahay ng Diyos.

3. Noon ding panahon niya hinukay ang tipunan ng tubig,na halos sinlaki ng Dagat na Tanso.

4. Sinikap niyang iligtas ang bayan mula sa pagkawasak,kaya't pinatibay niya ang mga tanggulan ng lunsod laban sa pananalakay ng kaaway.

5. Kay ganda niyang pagmasdan kapag siya'y naliligid ng mga tao,matapos lumabas sa Dakong Kabanal-banalan.

6. Parang bituing nakadungaw sa siwang ng mga ulap,parang buwang kabilugan sa mga araw ng kapistahan.

7. Katulad ay araw na sumisinag sa Templo ng Kataas-taasang Diyosat bahagharing nakabalantok sa harap ng maningning na ulap.

8. Parang rosas na bagong bukadkad pagkapatak ng ulan,parang liryong tumubo sa tabi ng batisan.Parang talbos na bagong usbong sa simula ng tag-araw,Parang insensong sinusunog sa oras ng pag-aalay.

Ecclesiastico 50