1. Huwag kang manalig sa iyong kayamananat huwag mong sabihing, “Wala na akong kailangan.”
2. Huwag kang padadala sa labis na hangarin,na makamtan lamang ang gusto'y gagawin ang lahat.
3. Huwag mong sabihing wala kang kinikilalang kapangyarihan,sapagkat darating ang panahong paparusahan ka ng Panginoon.
4. Huwag mo ring sabihin, “Wala namang nangyari sa akin, matapos akong magkasala!”Dahil ang Panginoon ay hindi madaling magalit.