1. Parang mabangong insenso ang pangalan ni Josias,insenso na tinimpla ng mahusay na manggagawa ng pabango;parang pulot na kinawiwilihan ng lahat,parang malambing na tugtugin sa isang handaan.
2. Kinamuhian niya ang mga kasalanan ng bayan,at winasak ang kanilang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan.
3. Naging matatag ang kanyang katapatan sa Diyos,at nanatiling maka-Diyos sa mga panahon ng kasamaan.
4. Liban kina David, Hezekias at Josias,nagpakasamang lahat ang mga hari ng Juda.Tinalikuran nila ang Kautusan ng Kataas-taasang Diyos,kaya't sa wakas, inalis sa kanila ang pagkahari.
5. Inilipat ng Diyos sa iba ang kanilang kapangyarihan,at ang karangalan nila'y ibinigay sa isang bayang dayuhan.
6. Sinunog ng mga ito ang banal na lunsod,at iniwang parang ilang ang kanyang mga lansangan.Ito'y ipinahayag na ni Jeremias noong una,
7. sapagkat siya'y kanilang pinag-usig at inalimura,bagaman siya'y hinirang na propeta mula pa sa tiyan ng inaupang maggiba, magwasak at bumunot,at upang magtayo, magbuo at magtanim.
8. Si Ezekiel ang nakakita ng kagila-gilalas na pangitain tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos.Nakita niya iyon lulan ng isang karwahe na hila ng mga kerubin.