Ecclesiastico 49:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Parang mabangong insenso ang pangalan ni Josias,insenso na tinimpla ng mahusay na manggagawa ng pabango;parang pulot na kinawiwilihan ng lahat,parang malambing na tugtugin sa isang handaan.

2. Kinamuhian niya ang mga kasalanan ng bayan,at winasak ang kanilang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan.

3. Naging matatag ang kanyang katapatan sa Diyos,at nanatiling maka-Diyos sa mga panahon ng kasamaan.

4. Liban kina David, Hezekias at Josias,nagpakasamang lahat ang mga hari ng Juda.Tinalikuran nila ang Kautusan ng Kataas-taasang Diyos,kaya't sa wakas, inalis sa kanila ang pagkahari.

Ecclesiastico 49