6. Ibinagsak mo ang mga hari at pinukaw ang pagtulog ng mga maharlika,at pinapunta mo sila sa kanilang kamatayan.
7. Ikaw ang nakarinig ng mga babala ng Diyos doon sa Bundok ng Sinai,at pangakong parusa para sa kanyang mga kaaway.
8. Ikaw din ang nagtalaga sa mga haring pinili para maghiganti,at sa propetang hahalili sa iyo.
9. Sa wakas, iniakyat ka sa langit ng isang ipu-ipo,lulan ng isang karwaheng hila ng mga kabayong nag-aapoy.
10. Nasusulat na ikaw ay babalik sa takdang panahon,upang paglubagin ang galit ng Diyos bago sumapit ang takdang araw;para pagkasunduin ang mga magulang at mga anak,at muling tipunin ang mga lipi ng Israel.
11. Mapapalad ang mga makakakita sa iyoat ang mga namatay na umiibig,sapagkat kami rin ay tiyak na mabubuhay.
12. Nang si Elias ay madala ng ipu-ipo,ang diwa niya'y minana ni Eliseo.Hindi siya natakot kailanman sa sinumang hari,at walang sinumang nakapagpasuko sa kanya.
13. Walang gawaing hindi niya makayang gawin,at nang mamatay, pati bangkay niya'y nagpakita ng himala.
14. Nang nabubuhay, gumawa siya ng maraming himala;kahit nang mamatay, kapangyarihan niya'y kahanga-hanga.
15. Sa kabila nito, hindi pa rin nagbalik-loob ang bayan,ayaw nilang talikuran ang kanilang mga kasalanan,kaya't sila'y pinalayas sa kanilang bansaat pinapangalat sa buong daigdig.Naiwan ang isang maliit na bahagi—ang Juda,sa pamamahala ng sambahayan ni David.
16. Ilan sa kanila'y naging kalugud-lugod sa Diyos,ngunit ang iba'y lalong nagpakasama.
17. Si Hezekias ang nagpatibay ng mga tanggulan ng lunsod,at naglagay ng deposito ng tubig sa loob ng lunsod;ipinabutas niya ang bato upang daanan ng tubigat nagpahukay siya ng malalaking tipunan ng tubig.