Ecclesiastico 48:1-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Sumunod na lumitaw si Elias na parang apoy,parang sulong nagliliyab ang kanyang mga salita.

2. Dahil sa alab ng kanyang galit sa kanilang kasamaan,pinadalhan niya sila ng taggutom, at marami sa kanila ang nangamatay.

3. Sa pangalan ng Diyos, pinigil niya ang ulan,at tatlong ulit siyang nagpaulan ng apoy.

4. Kagila-gilalas ang iyong mga kababalaghan, Elias!Sino ang makakatulad sa mga ginawa mo?

5. Binuhay mong muli ang isang patay;inagaw mo siya sa kamatayan sa ngalan ng Kataas-taasang Diyos.

6. Ibinagsak mo ang mga hari at pinukaw ang pagtulog ng mga maharlika,at pinapunta mo sila sa kanilang kamatayan.

7. Ikaw ang nakarinig ng mga babala ng Diyos doon sa Bundok ng Sinai,at pangakong parusa para sa kanyang mga kaaway.

8. Ikaw din ang nagtalaga sa mga haring pinili para maghiganti,at sa propetang hahalili sa iyo.

Ecclesiastico 48