Ecclesiastico 47:1-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Pagkatapos, lumitaw naman si Natanupang maging propeta sa panahon ni David.

2. Si David ay hinirang sa lahat ng kalalakihan sa Israel,parang taba na inihiwalay sa handog na pang-alay.

3. Pinaglaruan lamang niya ang leon na wari'y batang kambing,at ang mga oso na wari'y maliliit na tupa.

4. Binatilyo pa lamang siya nang patayin niya ang higanteat sagipin sa kahihiyan ang bayang Israel.Pinabagsak niya ang palalong si Goliat,sa pamamagitan ng isang bato na ibinala niya sa kanyang tirador.

5. Sapagkat nanawagan siya sa Kataas-taasang Diyos,pinag-ibayo nito ang lakas ng kanyang bisig,at napatay niya ang batikang mandirigma ng kaaway,upang igalang ng mga bansa ang kapangyarihan ng kanyang bayan.

6. Kaya't tinawag siyang “ang nagwagi sa sampu-sampung libo,”at noong igawad sa kanya ang korona ng pagkahari,ipinagdiwang siya ng bayan sapagkat hinirang siya ng Panginoon.

7. Nilipol niya ang mga kaaway na Filisteowinasak ang kanilang kapangyarihan, hanggang sa panahong ito.

24-25. Dumating sa sukdulan ang kanilang kasamaan,gumawa sila ng lahat ng uri ng kasalanan,hanggang sa bumagsak sa kanila ang parusa ng Diyosat itinapon sila sa ibang lupain.

Ecclesiastico 47