7. Gumawa ang Diyos ng walang hanggang pakikipagtipan sa kanya,at ginawa siyang pari ng kanyang bayan.Binihisan siya ng mamahaling kasuotan,at ginayakan ng magagandang kagamitan.
8. Pinagsuot siya ng maningning na damit,at binigyan ng mga tanda ng kapangyarihan:Salawal na hanggang binti, damit na mahaba, at efod.
9. Nilagyan ng mga bunga ng granada ang laylayan ng kanyang baro,at sinalitan ng mga kampanilyang gintona kumikililing habang siya'y lumalakad,upang marinig sa buong Templo ng Diyosat maalala ng Panginoon ang kanyang bayan.
10. Pinagsuot siya ng Panginoon ng damit na sagradona binurdahan ng ginto, asul at pula;binigyan din siya ng pektoral na tagapagpahayag ng kalooban ng Diyos,
11. at ng kurdong pula na ginawa ng isang dalubhasa.Pinapagsuot pa siya ng batong hiyas na tinabas na parang pantatak,at ipinatong ng platero sa ginto,at inukitan ng mga pangalan ng labindalawang lipi ng Israelupang sila'y laging maalala ng Panginoon.
12. Ang kanyang turbante ay nilagyan ng hiyas na gintona may ganitong titik: “Nakatalaga sa Panginoon.”Palamuting marilag at napakaganda ng pagkagawa,hiyas na nakakawiling pagmasdan.
13. Wala pang ibang nakapagsuot ng kasuotang gayon kaganda,at wala ring nakapagsuot niyon pagkamatay niya,siya, ang kanyang mga anak na lalaki,at ang kanyang mga salinlahi ang siya lamang nakapagsuot noon sa habang panahon.
14. Mag-aalay sila ng handog na susunuginumaga't hapon, magpakailanman.
15. Itinalaga siya ni Moisesat pinahiran ng langis na sagrado.At sa pamamagitan nito'y nakipagtipan ang Diyos sa kanya,at sa kanyang mga anak magpakailanman.Maglilingkod sila sa Diyos bilang mga pari,magbabasbas sa bayan sa pangalan ng Panginoon.
16. Hinirang si Aaron sa lahat ng mga taoupang maging tagapaghandog sa Panginoonng mga handog na susunugin at insenso upang magsilbing tagapagpaalala sa Panginoonat upang patawarin sila sa kanilang mga kasalanan.
17. Ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos ang kanyang mga batas,at sa kanya pinaingatan ang nilalaman ng Kautusanupang ituro sa mga anak ni Jacob ang kanyang mga tuntunin,at ipaliwanag sa Israel ang kanyang mga utos.
18. Minsan ay may mga nainggit sa kanya,at nag-aklas laban sa kanya doon sa ilang:sina Datan, Abiram at Korah at ang kanilang mga pangkat—galit silang lumapit sa kanya.
19. Nakita ng Panginoon ang ginawa nila,at sa galit niya'y nilipol silang lahat.Sa pamamagitan ng isang kababalaghanay tinupok sila ng naglalagablab na apoy.
20. Dinagdagan pa ng Diyos ang parangal kay Aaronnang ito'y bigyan niya ng tanging pamana:inilaan niya sa mga pari ang pinakamainam na unang ani,upang sila'y magkaroon ng saganang ikabubuhay.