24. Kaya't nakipagkasundo sa kanya ang Panginoon,ipinangako sa kanya ang pamamahala sa tahanan ng Diyos,at ipinagkaloob sa kanya at sa kanyang mga anakang pagkapunong pari magpakailanman.
25. Di tulad ng kanyang kasunduan kay Davidna anak ni Jesse, mula sa lipi ni Juda,na ang pagkahari ay mamanahin lamang ng anak sa ama,ang pagkapari ay mananatili magpakailanman sa mga anak at apo ni Aaron.
26. Purihin ninyo ang Panginoon sapagkat siya'y mabuti;pinutungan niya kayo ng korona ng karangalan.Nawa'y bigyan kayo ng Panginoon ng sapat na karunungan,upang mamahala kayo sa bayan niya nang may katarungan,at sa gayo'y huwag mawala sa kanila ang kasaganaanat manatili ang kapamahalaan ninyo sa habang panahon.