Ecclesiastico 45:18-21 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Minsan ay may mga nainggit sa kanya,at nag-aklas laban sa kanya doon sa ilang:sina Datan, Abiram at Korah at ang kanilang mga pangkat—galit silang lumapit sa kanya.

19. Nakita ng Panginoon ang ginawa nila,at sa galit niya'y nilipol silang lahat.Sa pamamagitan ng isang kababalaghanay tinupok sila ng naglalagablab na apoy.

20. Dinagdagan pa ng Diyos ang parangal kay Aaronnang ito'y bigyan niya ng tanging pamana:inilaan niya sa mga pari ang pinakamainam na unang ani,upang sila'y magkaroon ng saganang ikabubuhay.

21. Kaya't sila ang kumakain ng mga handog sa Panginoon.Ibinigay niya ito kay Aaron at sa kanyang mga anak.

Ecclesiastico 45