19. Si Abraham naman ang naging ama ng maraming bansa,at walang maipapantay sa kanyang karangalan.
20. Sinunod niya ang utos ng Kataas-taasang Diyos,at nakipagtipan siya sa Panginoon.Dinala niya sa katawan ang tanda ng kanilang kasunduan,at natagpuang tapat sa oras ng pagsubok.
21. Kaya't ipinangako sa kanya ng Panginoonna pagpapalain ang mga bansa sa pamamagitan ng kanyang lahi;ang mga salinlahi niya'y daraming parang alabok,at magniningning na parang mga bituin.Ibibigay niya sa kanila bilang pamana ang isang lupaing ang mga hangganan ay dagat,at mula sa ilog hanggang sa dulo ng daigdig.
22. Gayundin ang ipinangako niya kay Isaac,alang-alang kay Abraham,na pagpapalain sa pamamagitan niya ang sangkatauhan.
23. Isinalin niya kay Jacob ang kanyang pakikipagkasundo,at pinagtibay ang ipinangakong pagpapala.Ibinigay niya rito ang lupaing kanyang ipinangako,at pinaghati-hati sa labindalawang lipi.