12. Dahil sa kasunduan sa kanila ng Panginoon, nanatiling matatag ang kanilang angkan.At alang-alang pa rin sa kanila, ay magpapatuloy hanggang sa kanilang kaapu-apuhan.
13. Hindi mapuputol ang kanilang lahi,at hindi maglalaho ang kanilang katanyagan.
14. Matagal nang nalibing ang kanilang mga bangkay,subalit mananatili pa ring buháy ang kanilang alaala.
15. Matatanyag sa mga bansa ang kanilang karunungan,at patuloy silang pararangalan ng buong sambayanan.
16. Namuhay si Enoc ayon sa kalooban ng Panginoon, at siya'y buháy na dinala ng Diyos sa langit,upang maging halimbawa ng pagsisisi sa susunod na mga salinlahi.
17. Si Noe ay natagpuang matuwid at tapat,kaya't naligtas siya sa galit ng Panginoon.At dahil sa kanya'y may natirang tao sa lupa,nang gunawin ang daigdig sa pamamagitan ng baha.
18. Nakipagtipan sa kanya ang Panginoon,na hindi na niya lilipulin uli ang tao sa pamamagitan ng baha.