5. Dakila itong Panginoong lumikha sa araw,sa kanyang utos, nilalandas ang patutunguhan.
6. Ang Panginoon din ang lumalang sa buwan,na siyang panukat sa pagkakahati-hati ng panahon.
7. Pananda sa pagdiriwang ng mga kapistahan,tanglaw na lumiliit at lumalaki batay sa kapanahunan.
8. Sa kanyang pag-urong at pagsulong binibilang ang mga buwan,kahanga-hanga ang walang patid niyang pagbabago.Patnubay ng di mabilang na mga tanglaw,na nagliliwanag sa rurok ng kalangitan.