Ecclesiastico 43:1-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Kay inam pagmasdan nitong kalawakang walang bahid ulap,sadyang di maunawaan itong kalangitan sa ganda at dilag!

2. Maningning na araw ay nagpapahayag sa kanyang paglitaw,na kahanga-hanga ang bawat nilikha ng Kataas-taasang Diyos.

3. Sa matinding init na mula sa kanya'y walang makatagal,ang balat ng lupa'y kanyang tinitigang sa katanghalian.

4. Ang apoy sa hurno upang paningasin ay dapat gatungan,ngunit itong araw ay tatlong ibayo ang init na taglay.Sa kanyang pagsikat parang nag-aapoy ang kabundukan,maningning na sinag mula sa kanya ay nakakasilaw.

5. Dakila itong Panginoong lumikha sa araw,sa kanyang utos, nilalandas ang patutunguhan.

6. Ang Panginoon din ang lumalang sa buwan,na siyang panukat sa pagkakahati-hati ng panahon.

7. Pananda sa pagdiriwang ng mga kapistahan,tanglaw na lumiliit at lumalaki batay sa kapanahunan.

Ecclesiastico 43