Ecclesiastico 42:13-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Sapagkat tulad ng tangá na sa damit din nagmumula,ang kapahamakan ng isang babae ay sa babae na rin nanggagaling.

14. Mabuti pa ang kasamaan ng isang lalaki kaysa kabutihan ng isang babae;maraming kahihiyan at kadustaan ang nagbubuhat sa babae.

15. Sasariwain ko naman sa alaala ang mga ginawa ng Panginoon,isasalaysay ko ngayon ang aking mga nakita.Ang lahat ng bagay ay nagmula sa kanyang salitakaya't ang sangnilikha ay sumusunod sa kanya.

16. Tulad ng liwanag ng araw na laganap sa lahat ng lugar,ang kaluwalhatian ng Panginoon ay umaapaw sa bawat nilikha.

17. Ngunit hindi kaya ninuman—kahit ng mga anghel ng Panginoon,na isalaysay na lahat ang kanyang mga kababalaghan.Kahit na ang mga ito ay binigyan niya ng kapangyarihangtumayo sa harap ng di mailarawang kaluwalhatian niya.

18. Nasusukat niya ang walang hanggang kalaliman gayundin ang kaibuturan ng puso ng tao,natatalos niya ang kanilang mga lihim.Sapagkat ang lahat ay nalalaman niyaat nababasa rin niya ang tanda ng mga panahon.

19. Nasasabi niya ang nakalipas na at ang darating pa,at hayag sa kanya ang pinakatagong lihim.

20. Walang kaisipang hindi niya nababatid,wala ni isang salita na sa kanya'y nalilingid.

21. Ang lahat ng ginawa ng kanyang karunungan ay iniayos niya nang napakainam;mananatili siya magpakailanman.Hindi siya mababawasan at hindi rin madaragdagan,hindi niya kailangan ang payo ninuman.

22. Lahat ng kanyang ginawa ay kahanga-hanga,pati ang pinakamaliit na tilamsik ng apoy.

23. Ang lahat ng nilalang ay nabubuhay at nananatili.At bawat isa'y tumutugon sa bawat pangangailangan.

24. Ang lahat ng nilalang ay magkakatambal, bawat isa ay mayroong katapat.Ngunit walang ginawa ang Panginoon na masasabing kulang.

25. Ang kabutihan ng isa ay nakakapuno sa kabutihan ng iba.Sino ang magsasawa ng paghanga sa kanyang karilagan?

Ecclesiastico 42