Ecclesiastico 42:1-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Narito naman ang mga bagay na di mo dapat ikahiya,magkakasala ka kung matatakot ka sa sasabihin ng tao.

2. Huwag mong ikahiya ang Kautusan ng Kataas-taasang Diyos at ang kanyang tipan,o ang maggawad ng katarungan, kahit sa masasamang tao.

3. Huwag kang mahiyang makipagtuos ng gastos sa kasama sa paglalakbay,o kumuha ng kaparte mo sa mamanahing kayamanan.

4. Huwag kang mahiyang gumamit ng tamang timbangan,o magpatakbo ng negosyo malaki o maliit man.

5. Huwag kang mahiyang magpatubo sa pangangalakal,o sumaway at magtuwid sa iyong mga anak,o magpadugo ng likod ng aliping batugan.

6. Huwag kang mahiyang gumamit ng kandado, kung ang asawa mo'y hindi mapagkakatiwalaan,o kung sa ari-arian mo'y maraming nakikialam.

7. Huwag mong ikahiyang bilangin o timbangin ang ipinagkakatiwala mo sa iba,o isulat ang lahat ng salaping tinatanggap o ibinabayad.

Ecclesiastico 42