1. Narito naman ang mga bagay na di mo dapat ikahiya,magkakasala ka kung matatakot ka sa sasabihin ng tao.
2. Huwag mong ikahiya ang Kautusan ng Kataas-taasang Diyos at ang kanyang tipan,o ang maggawad ng katarungan, kahit sa masasamang tao.
3. Huwag kang mahiyang makipagtuos ng gastos sa kasama sa paglalakbay,o kumuha ng kaparte mo sa mamanahing kayamanan.
4. Huwag kang mahiyang gumamit ng tamang timbangan,o magpatakbo ng negosyo malaki o maliit man.
5. Huwag kang mahiyang magpatubo sa pangangalakal,o sumaway at magtuwid sa iyong mga anak,o magpadugo ng likod ng aliping batugan.