Ecclesiastico 40:17-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

17. Ngunit ang kabutihan ay hindi maglalaho,at ang katarungan ay mananatili magpakailanman.

18. Mapalad ang nakakariwasa o may sariling hanapbuhay,ngunit higit na mapalad ang makahukay ng natatagong kayamanan.

19. Makikilala ang pangalan ng may mga anak, o ang nakapagtayo ng isang bayan,ngunit lalong makikilala ang nakatagpo sa Karunungan.Makikilala ang may maraming bakahan at malawak na ubasan,ngunit mas mahalaga sa mga ito ang isang butihing asawa.

Ecclesiastico 40