Ecclesiastico 4:7-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. Sikapin mong kalugdan ka ng lipunan;igalang mo ang mga may kapangyarihan.

8. Pakinggan mo ang daing ng maralita;sagutin mo siya nang banayad at payapa.

9. Iligtas mo ang naaapi sa kamay ng mang-aapi,at magpakatatag ka kapag ikaw ay humahatol.

10. Maging isa kang ama sa mga ulila;bigyan mo ang mga biyuda ng tulong na hindi na maidulot ng yumaong asawa;aariin kang anak ng Kataas-taasang Diyosat iibigin ka niya nang higit pa sa pag-ibig ng isang ina.

11. Kinakalinga ng Karunungan ang mga humahanap sa kanya;sila'y kanyang tinuturuan.

12. Ang nagmamahal sa kanya'y nagpapahalaga sa buhay;ang maagang naghihintay sa kanya ay magtatamasa ng kaligayahan.

13. Ang nagkamit ng Karunungan ay magtatamo ng karangalan,pagpapalain siya ng Panginoon saanman siya pumunta.

Ecclesiastico 4