3. Huwag mong dadagdagan ng suliranin ang taong masama ang loob,at huwag mong ipagpaliban ang pagtulong sa maralita.
4. Huwag mong tatanggihan ang hiling ng nasa kasawian;huwag mong tatalikuran ang taong dukha.
5. Huwag mong iiwasan ang nangangailangan;huwag mo siyang bibigyan ng dahilang sumpain ka.
6. Kung sumpain ka niya sa gitna ng mapait niyang karanasan,diringgin ng Maykapal ang kanyang dalangin.
7. Sikapin mong kalugdan ka ng lipunan;igalang mo ang mga may kapangyarihan.
8. Pakinggan mo ang daing ng maralita;sagutin mo siya nang banayad at payapa.
9. Iligtas mo ang naaapi sa kamay ng mang-aapi,at magpakatatag ka kapag ikaw ay humahatol.
10. Maging isa kang ama sa mga ulila;bigyan mo ang mga biyuda ng tulong na hindi na maidulot ng yumaong asawa;aariin kang anak ng Kataas-taasang Diyosat iibigin ka niya nang higit pa sa pag-ibig ng isang ina.