1. Anak, huwag mong aalisan ng ikabubuhay ang mahihirapat huwag mong paghihintayin ang nangangailangan.
2. Huwag mong dudustain ang nagugutom,at huwag mong gagalitin ang taong nasa mahigpit na pangangailangan.
3. Huwag mong dadagdagan ng suliranin ang taong masama ang loob,at huwag mong ipagpaliban ang pagtulong sa maralita.
4. Huwag mong tatanggihan ang hiling ng nasa kasawian;huwag mong tatalikuran ang taong dukha.
5. Huwag mong iiwasan ang nangangailangan;huwag mo siyang bibigyan ng dahilang sumpain ka.
6. Kung sumpain ka niya sa gitna ng mapait niyang karanasan,diringgin ng Maykapal ang kanyang dalangin.
7. Sikapin mong kalugdan ka ng lipunan;igalang mo ang mga may kapangyarihan.
8. Pakinggan mo ang daing ng maralita;sagutin mo siya nang banayad at payapa.