1. Anak, huwag mong aalisan ng ikabubuhay ang mahihirapat huwag mong paghihintayin ang nangangailangan.
2. Huwag mong dudustain ang nagugutom,at huwag mong gagalitin ang taong nasa mahigpit na pangangailangan.
3. Huwag mong dadagdagan ng suliranin ang taong masama ang loob,at huwag mong ipagpaliban ang pagtulong sa maralita.