Ecclesiastico 39:5-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Dumadalangin siya sa Panginoon sa pagbubukang-liwayway,at buong pusong nananawagan sa Kataas-taasang Diyos.Nagsusumamo siya sa harapan ng Kataas-taasan,mataimtim na nagdarasal, at inihihingi ng tawad ang kanyang mga kasalanan.

6. Kung mamarapatin ng dakilang Panginoon,mapupuspos ang taong ito ng kanyang pagkaunawa;kaya't mamumutawi sa kanyang mga labi ang magagandang aralat magpapasalamat siya at magpupuri sa Panginoon.

7. Mauunawaan niya ang mga lihim ng Panginoon,maibabahagi ang kaalaman sa iba at makapagbibigay ng magagandang payo.

8. Ipapahayag niya ang karunungang kanyang nakamtan,at ipagkakapuri niya ang mga Kautusan at tipan ng Panginoon.

9. Pupurihin ng mga tao ang kanyang katalinuhanat hindi na ito makakalimutan kailanman.Mananatili siyang buháy sa alaala ng mga tao,at ang pangalan niya'y laging sasambitin ng mga susunod pang salinlahi.

10. Mababantog siya sa mga bansa,at lagi siyang papupurihan ng sambayanan.

11. Kung siya'y mabuhay nang matagal, mamumukod ang pangalan niya sa sanlibong mga pangalan.Ngunit kung siya'y bawian ng buhay, ang karangalan niya'y hindi na rin mapaparam.

12. Itutuloy ko ang paglalahad ng aking iniisip,na nag-uumapaw, tulad ng buwan sa kanyang kabilugan.

13. Makinig kayo, mga anak na may loob sa Diyos,bumukadkad kayong gaya ng rosas sa tabi ng batisan.

14. Humalimuyak kayong parang insenso,mamulaklak kayong gaya ng liryoat magsabog ng bango sa buong paligid.Umawit kayo ng papuri sa Panginoon, at ipagpasalamat ang kanyang mga ginawa.

15. Ipagbunyi ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan,at awitan siya ng papuri sa saliw ng mga alpa at mga kudyapi.

16. Kahanga-hanga ang lahat ng ginawa ng Panginoon,at lahat ng ibig niya'y natutupad sa kanyang panahon.

Ecclesiastico 39