Ecclesiastico 39:22-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

22. Ang pagpapala niya'y gaya ng pag-apaw ng Ilog Nilo,na dumidilig at nagpapataba sa tigang na lupain.

23. Ngunit ang poot naman niya'y daragsa laban sa mga bansa,gaya nang tabunan niya ng asin ang isang luntiang kapatagan.

24. Maginhawa ang landas niya para sa mga may paggalang sa kanya,ngunit maraming sagabal para sa mga makasalanan.

25. Sa mula't mula pa'y marami na siyang kabutihang inilaan para sa mabubuti,at marami namang kasawian para sa masasamang tao.

Ecclesiastico 39