Ecclesiastico 39:16-28 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

16. Kahanga-hanga ang lahat ng ginawa ng Panginoon,at lahat ng ibig niya'y natutupad sa kanyang panahon.

17. Hindi dapat sabihin: “Ano ito? Bakit gayon?”Ang lahat ng iyan ay sasagutin ng Diyos sa kanyang itinakdang panahon.Nagsalita lamang siya'y naipon ang tubig na wari'y ibinunton,at ang mga sisidla'y nilikha rin niya sa oras na iyon.

18. Sa isang hudyat niya'y natutupad ang kanyang kalooban,at walang makakahadlang sa kanyang kapangyarihang magligtas.

19. Minamasdan niya ang lahat ng ginagawa ng bawat tao;at walang nawawaglit sa kanyang paningin.

20. Mula sa pasimula at magpasawalang-hanggan, lahat ay nakikita niya.At walang anumang maaari siyang ikamangha.

21. Kaya't huwag mong sabihin: “Ano ito? Bakit gayon?”Sapagkat nilikha ang bawat isa na may sariling layunin.

22. Ang pagpapala niya'y gaya ng pag-apaw ng Ilog Nilo,na dumidilig at nagpapataba sa tigang na lupain.

23. Ngunit ang poot naman niya'y daragsa laban sa mga bansa,gaya nang tabunan niya ng asin ang isang luntiang kapatagan.

24. Maginhawa ang landas niya para sa mga may paggalang sa kanya,ngunit maraming sagabal para sa mga makasalanan.

25. Sa mula't mula pa'y marami na siyang kabutihang inilaan para sa mabubuti,at marami namang kasawian para sa masasamang tao.

26. Ito ang mga pangunahing pangangailangan ng tao: tubig at apoy, bakal at asin, harina, gatas at pulot, alak, langis, at damit.

27. Ang lahat ng ito'y mabuti para sa may paggalang sa Diyos,ngunit nagiging kapahamakan para sa masasama.

28. May mga hanging nilikha niya para maging kasangkapan ng kanyang galit,at may lakas na bumuhat ng mga bundok.Sa takdang panaho'y ibubuhos nila ang kanilang bagsikat sa gayo'y pinalulubag ang galit ng Lumikha sa kanila.

Ecclesiastico 39