1. Kakaiba naman ang taong nagpapakadalubhasasa Kautusan ng Kataas-taasang Diyos.Sinasaliksik niya ang karunungan ng mga nakalipas na panahon,at pinag-aaralan ang mga pahayag ng mga propeta.
2. Isinasaulo niya ang mga aral ng mga bantog na lalaki,at ipinaliliwanag niya ang malalalim na talinhaga.
3. Sinasaliksik niya ang natatagong kahulugan ng mga salawikain,at alam niya ang kasagutan sa mga talinhaga.