20. Kaya, huwag kang padadala sa labis na pamimighati,iwaksi mo iyan at alalahanin mo ang iyong kinabukasan.
21. Huwag mong kalilimutan na ang patay ay hindi na makakabalik;hindi na rin siya matutulungan ng iyong pagluha, at sa halip ikaw ay maaari pang mapinsala.
22. Alalahanin mo na ang nangyari sa kanya'y mangyayari din sa iyo:“Kahapon ay ako, ngayon naman ay ikaw.”
23. Pagkatapos na ang isang tao'y mamayapa, tigilan mo na ang pag-aalala sa kanya.Huwag ka nang magpakabalisa, matapos malagot ang kanyang hininga.
24. Ang karunungan ng dalubhasa ay nakabatay sa pagkakataon,kailangang maibsan siya ng mga ibang gawain.