Ecclesiastico 38:2-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. Ang karunungan ng manggagamot ay mula sa Kataas-taasang Diyos,at ginagantimpalaan siya pati ng mga hari.

3. Dahil sa kanyang karunungan marangal siyang nakakaharap kaninuman,at iginagalang siya pati ng mga maykapangyarihan.

4. Ang Panginoon ang nagpatubo ng mga halamang naigagamot,kaya't ang mga ito'y di kinaliligtaang gamitin ng matalinong tao.

5. Hindi ba't minsan ang tubig na mapait ay naging tubig na inuminsa pamamagitan ng isang pirasong kahoy upang makilala ang kapangyarihan ng Panginoon.

6. May mga taong pinagkalooban ng tanging karunungan,upang magamit nila ang mga kahanga-hangang bagay na nilikha ng Diyos.Sa gayo'y papupurihan siya ng lahat ng tao.

9. Anak, kapag nagkasakit ka, huwag mo itong ikabalisa,dumalangin ka sa Panginoon at pagagalingin ka niya.

10. Pagsisihan mo ang iyong mga kamalian at magbagong-buhay ka;linisin mo ang iyong puso sa lahat ng bahid ng kasalanan.

11. Mag-alay ka ng insenso at ng handog na pagkain,at buhusan mo ng langis ang iyong handog sa abot ng iyong makakaya.

12. Pagkatapos, magpatawag ka ng manggagamot—ang Panginoon din ang maylikha sa tungkuling iyan—at huwag mo siyang paaalisin, pagkat kailangan mo siya.

13. May mga pagkakataong sa kamay niya masasalalay ang buhay mo.

14. Dadalangin din siya sa Panginoon na siya'y patnubayan upang mapawi ang sakit,mapagaling ang iyong karamdaman at mailigtas ang iyong buhay.

Ecclesiastico 38