Ecclesiastico 37:16-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

16. Lahat ng panukala'y kailangang pag-usapan muna,at anumang gawai'y kailangan munang isipin.

17. Sa isipan binabalangkas ang lahat ng panukala ng tao,at ang mga ito'y sa apat nauuwi:

18. sa mabuti o sa masama, sa buhay o sa kamatayan,subalit ang lahat ng ito'y dila ang naghahayag.

19. Mayroong tao na sa karununga'y nakakapagturo sa iba,ngunit hangal naman sa sariling kapakanan;

Ecclesiastico 37