Ecclesiastico 36:1-2-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1-2. Mahabag ka sa amin, Panginoon, Diyos ng sanlibutan, lingapin mo kami,at gawin mong igalang ka ng lahat ng bansa.

3. Kumilos ka laban sa mga bansang hindi kumikilala sa iyo,ipakita mo sa kanila ang iyong kapangyarihan.

4. Ginamit mo kami upang makita nila ang iyong kabanalan,gamitin mo naman sila nang makita namin ang iyong kapangyarihan.

5. Sa gayon, makikilala nila, tulad ng pagkakilala namin,na walang ibang Diyos maliban sa iyo, Panginoon.

6. Magpakita ka ng mga bagong himala, gumawa ka muli ng mga kamangha-manghang bagay;ipakita mo ang lakas ng iyong kapangyarihan.

7. Pag-alabin mo sa kanila ang iyong galit, ibuhos mo sa kanila ang iyong poot,puksain mo ang aming mga kaaway, durugin mo silang lahat.

Ecclesiastico 36