Ecclesiastico 36:18-26 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Lahat ng uri ng pagkain ay maaaring kainin,ngunit may pagkaing mas masarap kaysa iba.

19. Kung paanong nalalasap ng dila ang lasa ng pagkain;nahahalata naman ng matalino ang kasinungalingan.

20. Nagdudulot ng dalamhati ang may masamang isipan,ngunit iyon ay mapapanumbalik ng may karanasan.

21. Kailangang tanggapin ng babae ang sinumang lalaking itakda sa kanya,ngunit ang lalaki ay dapat mamili ng magiging asawa.

22. Ikinaliligaya ng lalaki ang alindog ng babae;at liban dito'y wala nang ibang tanawing higit na kawili-wili sa paningin ng lalaki.

23. Ngunit kung ang babae ay mabait pa at magiliw mangusap,pinakamapalad na sa lahat ng lalaki ang kanyang asawa.

24. Para sa isang lalaki, ang asawa ay pinakamabuting kayamanan,isang kaagapay na makakatugon sa kanyang mga pangangailangan at isang haligi na masasandigan.

25. Laging napapasok ng maninira ang halamanang walang bakod;gayundin naman ang lalaking walang asawa, palaging palabuy-laboy, buhay ay malungkot.

26. Hindi dapat pagtiwalaan ang mabangis na tulisang nananalakay sa bayan-bayan,subalit lalong higit na di dapat pagtiwalaan ang lalaking walang sariling tahanan,na nakikitulog na lamang kahit saan abutin ng gabi.

Ecclesiastico 36