Ecclesiastico 34:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Mandaraya at walang ibubunga ang pag-asa ng hangal,labis siyang nagtitiwala sa mga pangarap.

2. Parang nanghuhuli ng anino, o humahabol sa hangin,ang taong nag-aabala sa panaginip.

3. Ang nakikita mo sa panaginip ay anino lamang ng katotohanan,gaya ng mukhang nakikita sa salamin.

4. Kung hindi maaaring ang karumiha'y magbunga ng kalinisan,lalong hindi maaaring ang kasinungalinga'y magbunga ng katotohanan.

Ecclesiastico 34