Ecclesiastico 34:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Mandaraya at walang ibubunga ang pag-asa ng hangal,labis siyang nagtitiwala sa mga pangarap.

2. Parang nanghuhuli ng anino, o humahabol sa hangin,ang taong nag-aabala sa panaginip.

3. Ang nakikita mo sa panaginip ay anino lamang ng katotohanan,gaya ng mukhang nakikita sa salamin.

Ecclesiastico 34