2. Ang taong marunong ay di napopoot sa Kautusan,ngunit ang tumutupad nito nang paimbabaw ay parang bangkang hinampas ng bagyo.
3. Ang matalinong tao ay nananalig sa Kautusan;ang tiwala niya dito'y tulad sa tinig ng Panginoon.
4. Ihanda mo ang iyong sasabihin kung nais mong ikaw ay pakinggan,isaayos mo muna ang iyong nalalaman bago ka tumugon.
5. Parang gulong ng kariton ang isipan ng mangmang,parang paikut-ikot na ehe ang kanyang pangangatuwiran.
6. Ang kaibigang mapanlibak ay parang kabayong haling,na kapag sinakyan ninuman ay humahalinghing.
7. Bakit may araw na itinuturing na higit kaysa iba,gayong iisa namang araw ang sumisikat sa buong isang taon?
8. Sapagkat may mga araw na itinangi ang Panginoon,nang itatag niya ang mga panahon at mga kapistahan.
9. May araw siyang pinagpala at pinabanal,at mayroon namang itinuring na pangkaraniwan.
10. Lahat ng tao ay mula sa alabok;sa alabok hinugis si Adan.
11. Ngunit sa di malirip na karunungan ng Panginoon, wala siyang ginawa na magkatulad;binigyan niya ang bawat isa ng kanyang tanging kalagayan.