Ecclesiastico 32:14-24 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Ang may paggalang sa Panginoon ay napasusupil sa kanya,at ang gumigising nang maaga upang manalangin ay pinagpapala niya.

15. Naliligayahang sumunod sa Kautusan ang nagsisikap makaunawa nito,ngunit ito'y nagiging balakid sa taong hipokrito.

16. Nakapagpapasya nang wasto ang may paggalang sa Panginoon,at ang mabubuti nilang gawa ay nagliliwanag na parang ilaw.

17. Ang makasalana'y di tumatanggap ng pangaral,at binibigyan ng dahilan ang anumang naisin niya.

18. Laging nakikinig sa paalala ang taong matino,wala namang nakakapigil sa lapastangan at palalo.

19. Huwag kang gagawa ng anuman na di muna pinag-isipang mabuti,at nang hindi mo pagsisihan sa bandang huli.

20. Huwag kang lalakad sa mapanganib na daan,at ingatan mong huwag matalisod sa mabatong landas.

21. Huwag kang masyadong magtitiwala sa daang maaliwalas,

22. sa halip, tingnan mong mabuti ang iyong binabagtas.

23. Anuman ang ginagawa mo'y lagi kang mag-iingat,iyon ang tunay na pagsunod sa mga kautusan.

24. Ang naniniwala sa Kautusan ay sumusunod sa mga ipinag-uutos nito;ang nagtitiwala sa Panginoon ay hindi mapapasama.

Ecclesiastico 32