Ecclesiastico 32:1-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Kapag ikaw ay nangangabisera sa isang handaan,huwag mong ipagmamayabang iyon;makiisa ka sa kilos ng ibang panauhin.At tingnan mo muna kung maayos na ang lahat bago ka maupo.

2. Kapag natupad mo na ang mga dapat mong gawin ay maupo ka na,at makipagsaya sa lahat ng dumalo.Sa gayon ay tatanggap ka ng papuri dahil sa iyong mahusay na pamamahala.

3. Kung ikaw ay nakakatanda, may karapatan kang magsalita,ngunit huwag kang magpapaliguy-ligoy o aabalahin ang musika.

4. At kung may palatuntunan, huwag kang magsalita tungkol sa palabas,hindi iyon ang pagkakataon upang ipakita ang iyong galing.

5. Parang rubi na nakatampok sa isang gintong singsingang musika sa oras ng piging.

6. Parang batong esmeralda sa isang singsing na ginto,ang masayang tugtugan sa pagtungga ng masarap na alak.

7. Maaari ding magsalita ang kabataan kung kinakailangan,ngunit dalawang beses lamang at kung siya'y tinatanong.

8. Sabihin ang ibig ipahayag sa maikling pangungusap lamang;ipakita mong ikaw ay maraming nalalaman ngunit hindi masalita.

9. Huwag kang pangahas kung ang mga kasama mo'y nakakataas sa iyo,at huwag kang maingay kapag may ibang nagsasalita.

Ecclesiastico 32