1. Ang nagmamahal sa anak ay malimit gumamit ng pamalo,upang ang anak ay maging kasiyahan niya paglaki nito.
2. Ang mahigpit sa anak ay makikinabang sa huli;sa kanyang mga kaibigan, ito'y maipagmamalaki.
3. May naipagmamalaki sa mga kaibigan ang mabuting magturo sa anak,at kinaiinggitan pa ng kanyang mga kaaway.
4. Kahit na siya'y patay na, wari'y buháy pa rin siya,sapagkat ang kanyang naiwan ay tunay na larawan niya.
5. Habang buháy siya sa daigdig, ang dulot ng anak ay kasiyahan,at pagsapit ng kamatayan, papanaw siyang walang agam-agam.
6. Ang iniwan niyang anak ang maghihiganti sa kanyang mga kaaway,at ito rin ang magbabayad ng utang na loob niya sa mga kaibigan.
7. Ang nagpapalayaw sa anak ay lubhang masasaktan,at magigimbal ang puso niya sa bawat daing.
8. Ang kabayong hilaw-sa-turo ay mahirap na pigilin,ang anak na pinalayaw ay mahirap na supilin.
9. Kapag pinalayaw mo ang anak, ikaw ang tatakutin;makipagbiro ka sa kanya at ikaw ang paluluhain.
10. Huwag kang makipagtawanan sa kanya, kung hindi mo nais lumuhang kasama niya,at magngalit ang ngipin sa sama ng loob.