21. Huwag mong hangaring maunawaan ang mga bagay na lampas sa iyong kakayahan,huwag mong saliksikin ang hindi mo kayang malaman.
22. Sundin mo ang Kautusang bigay sa iyo ng Panginoon;huwag mong pagkaabalahan ang inilihim niya sa iyo.
23. Huwag mong pakialaman ang di mo saklaw,sapagkat marami sa mga itinuro sa iyo ay lampas sa pang-unawa ng tao.
24-25. Maraming naliligaw dahil sa kanilang pabigla-biglang hatol;napilipit ang kanilang isipan ng kanilang maling palagay.
26. Ang matigas ang ulo'y daranas ng pasakit sa bandang huli;ang mahilig sa panganib ay ipapahamak nito.
27. Ang matigas ang ulo'y laging nasusubo sa ligalig;ang nawili na sa kasalana'y palaging magkakasala.
28. Walang katapusan ang kapighatian ng palalo;nag-ugat na ang kasamaan sa kanyang puso.
29. Pinahahalagahan ng matalino ang mga talinhaga;nakikinig ang marunong pagkat nais niyang matuto.
30. Kung ang tubig ay pumapatay ng apoy,ang pagkakawanggawa ay pumapawi ng kasalanan.