Ecclesiastico 3:2-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. Sapagkat ang mga ama ay binigyan ng Panginoon ng kapangyarihan sa mga anak,at iniuutos niya na sundin ng mga anak ang kanilang ina.

3. Ang gumagalang sa kanyang ama'y nagbabayad na sa kanyang kasalanan,

4. at ang nagpaparangal sa kanyang ina'y parang nag-iimpok ng kayamanan.

5. Ang gumagalang sa kanyang ama'y paliligayahin naman ng kanyang mga anak,at ang panalangin niya'y agad diringgin ng Panginoon.

6. Pahahabain ng Diyos ang buhay ng nagpaparangal sa kanyang mga magulang—siya na sumusunod sa Panginoon.

7. Ang may paggalang sa Panginoong Diyos ay gumagalang sa kanyang mga magulang,at pinaglilingkuran niya ang kanyang magulang na parang panginoon niya.

8. Igalang mo ang iyong ama sa salita at sa gawa,upang sumaiyo ang kanyang pagpapala.

9. Pinatatatag ng pagpapala ng isang ama ang pamumuhay ng mga anak,ngunit ito ay sinisira ng sumpa ng isang ina.

10. Huwag mong ipagkakalat ang kahihiyan ng iyong ama,sapagkat ang kanyang kahihiyan ay hindi mo ikararangal.

11. Ikararangal ng sinuman ang gumalang sa kanyang ama,at kahihiyan ng mga anak ang di gumalang sa kanilang ina.

12. Anak, kalingain mo ang iyong ama kapag siya'y matanda na,at huwag mo siyang dudulutan ng sama ng loob habang nabubuhay.

13. Pagpaumanhinan mo siya kapag nanlalabo na ang kanyang isip;huwag mo siyang lalapastanganin ngayong nasa kasibulan ka na ng iyong lakas.

Ecclesiastico 3