Ecclesiastico 3:15-18-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Ang ginawa mo sa iyong ama ay aalalahanin ng Panginoon,at ang mga kasalanan mo'y matutunaw na parang yelo pagdating ng tag-init.

16. Ang sinumang magpabaya sa kanyang ama ay para nang lumapastangan sa Diyos,at ang gumagawa ng ikagagalit ng ina'y susumpain ng Panginoon.

17. Anak, maging mapagpakumbabá ka sa pagtupad ng tungkulin,at mamahalin ka ng mga malapit sa Diyos.

18-19. Habang ika'y dumadakila, lalo ka namang magpakumbabá;sa gayo'y kalulugdan ka ng Panginoon.

Ecclesiastico 3