Ecclesiastico 3:1-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Mga anak, ako'y inyong ama, kaya makinig kayo.Gawin ninyo ito, at di kayo mapapahamak.

2. Sapagkat ang mga ama ay binigyan ng Panginoon ng kapangyarihan sa mga anak,at iniuutos niya na sundin ng mga anak ang kanilang ina.

3. Ang gumagalang sa kanyang ama'y nagbabayad na sa kanyang kasalanan,

4. at ang nagpaparangal sa kanyang ina'y parang nag-iimpok ng kayamanan.

5. Ang gumagalang sa kanyang ama'y paliligayahin naman ng kanyang mga anak,at ang panalangin niya'y agad diringgin ng Panginoon.

6. Pahahabain ng Diyos ang buhay ng nagpaparangal sa kanyang mga magulang—siya na sumusunod sa Panginoon.

18-19. Habang ika'y dumadakila, lalo ka namang magpakumbabá;sa gayo'y kalulugdan ka ng Panginoon.

24-25. Maraming naliligaw dahil sa kanilang pabigla-biglang hatol;napilipit ang kanilang isipan ng kanilang maling palagay.

Ecclesiastico 3